Isinagawa ang magalagang pagpupulong tungkol sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) para sa Agoncillo Sub Office kahapon, September 22, 2026.
Ginanap ito sa Pook Elementary School, kung saan punong guro si G. Hilario Garcia na siyang kinatawan ng ating sub-office tungkol sa mas malalim na pang-unawa sa mga hakbang na dapat gawin at plano na dapat isaalang-alang upang mas lalong maging ligtas at resilient ang mga paaralan.
Nagbahagi ng kanilang mga puntos ang ating PNP sa pamamagitan ni Pat. Renz Christian Abucay at si SF04 Abegail Vinzon ng BFP.
Ipinaliwanag ni Mr. Junfrance De Villa, LGU MDRRMO, na maraming tinitingnan na data at weather forecast bago tayo magdeklara ng anumang anunsyo kapag mayroong kalamidad. Nakabatay din ito sa mga itinakdang guidelines. 24/7 ang monitoring ng ating LGU sa mga ganitong panahon.
Ipinahayag naman ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang pagpapasalamat sa partnership ng Deped Agoncillo Sub-Office sa pangunguna ni Dr. Maria Melissa Ariola sa maraming aspeto, higit ay sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad. Binigyang diin niya na balanse palagi ang pagtingin sa mga bagay-bagay para sa karunungan at kaligtasan lalo’t higit ng ating mga kabataan.
Ibinahagi rin niya ang ilang mga karanasan sa bayan na nagbigay ng aral sa lahat, lalo ang pagsunod sa abiso ng pamahalaan. Nagpugay rin siya sa kahusayan ni Sir Julie Garcia sa camp management, na siya ring nag-train sa iba pang camp managers sa Agoncillo.
Nakiisa rin sina Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, SB Members Atty. Sarah Pauline Mendoza, Jeffrey Hilario, Vio Cacao, Jessie James Balba, at Nady Enriquez.
#parasamasmagandangagoncillo
#parasamasligtasnapaaralan
0 Comments