DAAN TUNGO SA KAUNLARAN: FARM-TO-MARKET ROAD SA BILIBINWANG, PINASINAYAAN NA 🇵🇭✨

 


Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na imprastraktura at mas malawak na oportunidad para sa ating mga Agoncillian ang isinagawa ngayong araw, Setyembre 23, 2026, sa pamamagitan ng pagpapasinaya ng katatapos lamang na Farm-to-Market Road sa Barangay Bilibinwang, Agoncillo, Batangas.


Ang humigit-kumulang 1.98-kilometrong Farm-to-Market Road ay inaasahang makatutulong sa mga Agrarian Reform Beneficiaries at mga pamayanang nagsasaka sa pagkakaroon ng mas ligtas at mas maginhawang access patungo sa mga pamilihan,  at mahahalagang serbisyo.


Higit pa sa isang konkretong daanan, ang proyektong ito ay daan tungo sa mas episyenteng pagdadala ng mga produktong sakahan, mas maayos na transportasyon ng mga kagamitang pang-agrikultura, at mas maraming pagkakataon para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga magsasaka at kababayan.


Sa mahalagang araw na ito, kinikilala rin ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang mga katuwang na ahensya at mga lider na naging bahagi ng pagsasakatuparan ng proyektong ito.Sinumulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Fr. Randy Sudario.


Taos-pusong pasasalamat sa Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Barangay Bilibinwang, at sa lahat ng katuwang na nagsikap upang maisakatuparan ang mahalagang imprastrakturang ito.


Gayundin, isang espesyal na pagkilala at pasasalamat kay Atty. King George Leandro Antonio V. Collantes, Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Batangas, sa kanyang patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa mga adhikain at development goals ng Bayan ng Agoncillo.


Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sangay ng pamahalaan at ng komunidad, ang mga pangarap para sa mas maunlad na Agoncillo ay unti-unting nagiging konkretong realidad.

Dahil ang bawat daang ating binubuo ay daan din tungo sa oportunidad, kabuhayan, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Agoncillian.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments