BABAE. KABATAAN. KAHANDAAN: ATTY. CINDERELLA VALENTON-REYES, AKTIBONG NAKILAHOK SA GSP PROVINCIAL ESCODA CAMP 2026! 🇵🇭✨


Matagumpay na idinaos ngayong araw, Setyembre 26, 2026, ang GSP Provincial Escoda Camp na ginanap sa Agoncillo Central School.
Aktibong nakiisa sa naturang kaganapan si Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangulo ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ng buong Batangas council.
“Ang pagiging tapat ay nag-uumpisa sa malilit na bagay. Mayroon tayong paniniwala na kapag hindi ka mapapagkatiwalaan sa maliit na bagay, lalong hindi sa malalaking bagay. “, pahayag ni Mayor Cindy, bilang ang katapatan ang isa sa kinikilalang katangian ng isang Girl Scout.
Sa pamamagitan ng temang "Leading On: Girl Guiding - Our Legacy, Leading the Future," binigyang-diin sa programa ang mahalagang papel ng mga kababaihan at kabataan sa pamumuno, disiplina, at kahandaan sa komunidad.
Ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang patuloy na paghubog sa ating mga kabataan upang maging responsableng lider at mamamayan ng ating bayan.

Post a Comment

0 Comments