Patuloy po ang isinasagawang pag-aalis ng tubig baha sa Sitio Manalao, Subic Ilaya sa pangunguna ng MDRRMO. Dahil sa malakas na pag-ulan na naganap kagabi, muli na namang tumaas ang lebel ng tubig sa nasabing lugar.
Marami po tayong natatanggap na mensahe patungkol sa mga stranded nating kababayan, kaya naman naroon po ang rescue vehicle ng lokal na pamahalaan upang magsilbing sasakyan ng ating mga kababayan.
Ginagawa po natin ang lahat ng maaari nating gawin upang matugunan ang inyong pangangailangan. Naipadala na po natin sa DPWH ang kasalukuyang kalagayan ng nasabing daan.
Patuloy po tayong mag-ingat.
Maraming salamat po.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments