ABISO PUBLIKO 🇵🇭✨

 

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month, ipagpapatuloy ngayong araw ang taunang Sportsfest ng ating Lokal na Pamahalaan. Ito ay isang mahalagang aktibidad na naglalayong palakasin ang samahan, kalusugan, at kapakanan ng mga lingkod-bayan na walang sawang nagbibigay ng serbisyo sa ating mamamayan.

Dahil dito, pansamantalang wala pong transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayon, ika- 4ng Setyembre 2026 upang bigyang-daan ang ganap na partisipasyon ng lahat ng kawani sa nasabing aktibidad.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at suporta sa mga programang naglalayong isulong ang kapakanan ng ating mga empleyado.

Maraming salamat po, at nawa'y sama-sama nating ipagdiwang ang buwan ng serbisyo publiko nang may saya, pagkakaisa, at diwa ng bayanihan.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments