LIGTAS NA KARNE, PARA SA PAMILYA! 🇵🇭✨

 


Kabayan, Alam mo ga?

Ang karne ng baboy na inihahain mo sa iyong Pamilya ay dapat ligtas at hindi "hot meat"!

Para sa kaligtasan ng bawat mamimili, hinihikayat ang lahat ng magpapakatay ng baboy na gamitin ang Agoncillo Municipal Slaughterhouse, kung saan ang bawat hayop ay dumaraan sa tamang inspeksyon alinsunod sa pamantayan ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Napakadali lamang ang proseso, Kabayan! 

Magtungo sa Municipal Agriculture Office (MAO) upang kumuha at punan ang Slaughtering Permit.

Bayaran ang kaukulang bayarin sa Municipal Treasurer's Office (MTO).

Bumalik sa MAO para sa pagpirma ng permit at encoding.

Dalhin ang baboy sa Agoncillo Municipal Slaughterhouse mula 3:00 PM hanggang 7:00 PM at isumite ang permit.

Kunin ang pinakatay na baboy kinabukasan mula 4:00 AM hanggang 5:00 AM.

Oh diga, kung mahal natin bawat miyembro ng ating pamilya, siguraduhing ligtas ang karneng ihahain sa kanila.

Malinis na Katayan. Ligtas na Karne. Malusog na Mamamayan.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments