Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa isinagawang PDRA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Layunin nitong matukoy at mapaghandaan ang mga posibleng banta at epekto ng kalamidad upang higit na mapalakas ang kahandaan at pagtugon sa panahon ng sakuna lalo't higit sa Bayan ng Agoncillo.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan at sama-samang pagpaplano ng ating lokal na pamahalaan, mas napagtitibay natin ang mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Agoncillian.
Patuloy nating pairalin ang kahandaan, pag-iingat, at pagkakaisa. Sapagkat ang maagap na paghahanda ay mahalagang susi upang maprotektahan ang buhay at ari-arian ng ating mga kababayan.
Ingat tayong lahat mga Kabayan! ❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments