Buong pagmamalaking nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, bilang pagkilala sa Wikang Filipino bilang puso ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pambansang pagkakaisa.
Sa taong ito, tampok ang temang Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng makabagong teknolohiya at AI sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapayaman ng pananaliksik, at pagpapaunlad ng paggamit ng ating sariling wika sa makabagong panahon.
Nawa'y magsilbi itong paalala na ang Wikang Filipino ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan kundi isang buhay na kasangkapan tungo sa mas inklusibo, makabago, at maunlad na kinabukasan.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments