ATTY. CINDERELLA VALENTON-REYES DUMALO SA PAGPUPULONG NG PROTECTED AREA MANAGEMENT BOARD (PAMB) SA BALETE, BATANGAS 🇵🇭✨

 

Naging bahagi ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa pagpupulong ng Protected Area Management Board (PAMB) sa Balete, Batangas ngayong araw.

Ang pakikilahok na ito ay bahagi ng patuloy na pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa mga usaping may kinalaman sa pangangalaga, pamamahala at responsableng paggamit ng ating mga likas na yaman.

Ikinatuwa ng mga nakiisa sa pagpupulong ang mainit na pagtanggap ng ating kaibigan at mahusay na Punong Bayan ng Balete, Kgg. Wilson Maralit.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa mga kinauukulang ahensya at stakeholders, patuloy nating isinusulong ang isang pamamahalang may malasakit sa kalikasan, komunidad, at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Agoncillian.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments