Kabayan, alam mo ga? Sa darating na Sabado at Linggo, mayroong serbisyo para sa iyo!
Hatid nina Senator Risa Hontiveros at Congressman Atty. King Collantes katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang TSEK UP NA!. Ito ay isang libreng medical check-up program na layuning mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.
Sa August 1–2, 2026 (Sabado at Linggo) na gaganapin sa ating G. Brotonel Events Center, mula ika- 8:00 AM hanggang hapon.
Mga Libreng Serbisyo:
• Vital Signs Check (Triage)
• Blood Test (Blood Extraction)
• Laboratory Test
• Doctors Consultation
• Free Medicines
• Medical/Check-Up Summary
PAALALA SA INYO KABAYAN:
Huwag kalimutang magdala ng photocopy ng isang (1) valid ID, upang maging maayos at mabilis ang inyong pagpaparehistro.
Inaanyayahan ang lahat ng Agoncillian na samantalahin ang pagkakataong ito upang mabantayan at mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ang regular na pagpapatingin sa doktor ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan.
Ano Kabayan? Pa-TSEK UP NA! ❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments