Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ating bayan sa panahon ng sakuna, matagumpay na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang mga miyembro ng Crisis and Disaster Response Team ang Simulation Drill on the Management of Dead and Missing Persons sa Brgy. Subic Ilaya ngayong araw.
Layunin ng pagsasanay na higit pang paigtingin ang kaalaman, kasanayan, at koordinasyon ng mga responders sa tamang pamamahala sa mga insidenteng may kinalaman sa mga nawawala at nasawi sa panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng makatotohanang simulation exercise, nahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa mabilis, maayos, at makataong pagtugon alinsunod sa umiiral na mga pamantayan at protocol sa disaster response.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat Agoncillian.
Naniniwala ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, nararapat lamang nating bigyan ng panahon ang mga ganitong klase ng pagsasanay sapagkat malaki ang magiging pakinabang ng ating mga kababayan dito. Dagdag pa niya"Ang mga ganitong pagsasanay ay mahalagang hakbang upang matiyak ang maagap, organisado, at episyenteng pagtugon sa anumang sakunang maaaring maranasan ng ating bayan".
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments