PAGBATI | MALIGAYANG IKA-112 TAONG ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO 🇵🇭✨

 

Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama si Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang buong hanay ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, ay taus-pusong bumabati sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang Ika-112 Taong Anibersaryo.


Sa loob ng mahigit isang siglo ng paglilingkod, ang Iglesia Ni Cristo ay naging huwaran ng matatag na pananampalataya, pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa. Nawa'y patuloy ninyong maisakatuparan ang inyong dakilang misyon sa paggabay sa inyong mga kasamahan at sa patuloy na pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at kabutihan sa ating mga pamayanan.


Muli, maligayang ika-112 taong anibersaryo sa buong kapatiran ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo. Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay at pagpapala ng Amasa inyong mahalagang paglilingkod.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments