Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, malugod na inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura at Sining na pinangungunahan ni Ma'am Charlyn Ann Dela Luna ang lahat ng kabataang Agoncillian na may edad 14 hanggang 18 taong gulang, na lumahok sa Paligsahan ng Pagsulat at Pagbigkas ng Tula.
Isabuhay ang ating pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng husay sa pagbigkas, lalim ng mensahe, at malikhaing pagpapahayag. Ito ay pagkakataon upang maipamalas ang talento, mapagyaman ang paggamit ng wikang Filipino, at maging bahagi ng pagsusulong ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
🗓️ Agosto 31, 2026
🕐 1:00 P.M.
📍 Gregorio Brotonel Event Center
Basahin ang mga kalakip na mekaniks, pamantayan sa paghatol, at mga gantimpala upang maging gabay sa inyong paglahok.
Kabataang Agoncillian, ipagmalaki ang wika nating nakagisnan! SALI NA ❤️
Para makasali, mag-register lamang o i-message ang mga sumusunod sa numerong nasa ibaba:
REGISTRATION_ PALIGSAHAN NG PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TULA
Pangalan:
Lugar na Tirahan:
Edad:
MS. CHARLYN ANN DELA LUNA
Municipal Tourism Officer
09153855884
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments