Hanap mo ga'y pasalubong?
Hanap mo ga'y masarap, malasa at Dabest?
Hanap mo ga'y produktong galing dine?
Parine na at bili na ng mga Produktong gawa sa Agoncillo✨
Bilang pagsalubong sa ating mga bisita mula sa Philippine Motorcycle Tourism Group, itinampok natin ang mga pinagmamalaking produkto ng ating Bayan.
Sa pangunguna ng ating Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna, hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na pumasyal at bumili. Tama rin ito para sa mga naghahanap ng pasalubong pagbalik nila ng trabaho!
Parine na kayo! Bili na!
Tunay na ang Turismong Agoncillo, Panalo! ❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments