Bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ni Apolinario Mabini, ang kinikilalang Dakilang Lumpo at Utak ng Himagsikan, walang pasok at walang transaksyon sa lahat ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo bukas, ika-23 ng Hulyo 2026.
Ang pagdiriwang na ito ay isang pagkakataon upang alalahanin ang kanyang hindi matatawarang ambag sa kasaysayan ng ating bansa at ang kanyang mga prinsipyo ng katapatan, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan, mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat lingkod-bayan at mamamayang Pilipino.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments