88 na Pantawid Pamilyang Pilipino ang NAGPUGAY TAGUMPAY



Ginanap kanina ang Pugay Tagumpay para sa 88 miyembro ng 4Ps. Sa bagong panuntunan, ang mga nag-level 3 sa SWDI gaps ay awtomatikong ipupugay, ganundin ang mga pitong taon o mahigit pa sa programa.

Sinabi ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes na ang lokal na pamahalaan ay may mga nakalaan na programa na nagbibigay ng prioridad sa mga nag-pugay. Ito ay alinsunod sa commitment na patuloy na alalayan sila sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Nagsalita rin ng suporta sina Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, Atty. Sarah Pauline Mendoza, bilang SB Chair for Social Welfare, at ang ating MSWDO Josalyn Cortez.

Nagbigay din ng inspirasyon sina G. Ismael Magpantay, kagawad ng Barangay Pamiga, at si Jing Baltazar, mula sa San Jacinto.

Ang tagapagpadaloy ng programa ay si Bb. Lorraine Kate Umali, mula sa opisina ng Pantawid.

Post a Comment

0 Comments