SECOND QUARTER JOINT FULL COUNCIL MEETING NG PADAC, PDRRMO, PPOC AT PDC, DINALUHAN NG MGA KAWANI NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO




Dumalo ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa isinagawang Second Quarter Joint Full Council Meeting ng PADAC, PDRRMO, PPOC at PDC na kasalukuyang ginaganap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City ngayong araw.

Personal na nakiisa ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama sina PMAJ John Glenn Sablan, Hepe ng PNP Agoncillo; Sir Junfrance De Villa, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer at Ma'am Camei Pilac na kinatawan ng MSWDO.

Layunin ng pagpupulong na higit pang pagtibayin ang ugnayan at koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at iba't ibang ahensya sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan, disaster risk reduction and management, anti-drug initiatives, at pangkalahatang pag-unlad ng lalawigan ng Batangas.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments