KABAYAN, PACHECK UP NA


Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Agoncillo na samantalahin ang Libreng Computerized Eye Examination na handog ng MG Trans Vision Optical Clinic na gaganapin sa hallway ng V. Maligalig Legislative Building (SB) ngayong araw mula ika-10:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

Bukod sa libreng pagsusuri ng mata gamit ang makabagong kagamitan, maaari ring magpagawa ng salamin habang naghihintay. Mayroon ding "Buy One, Take One"  na espesyal na alok para sa mga magpapagawa ng eyeglasses.

Hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga nakararanas ng malabong paningin o nais masuri ang kalusugan ng kanilang mga mata, na samantalahin ang pagkakataong ito.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments