MUSIKABATAAN: Libreng Piano Lesson para sa Kabataang Agoncillian





Opisyal nang nagsimula noong Mayo 25, 2026, ang programang  libreng piano lesson para sa mga kabataang Agoncillian na naglalayong malinang ang kanilang talento at pagmamahal sa musika.

Pinangunahan ito ng Tanggapan ng Pambayang Turismo sa pamumuno ni Ma’am Charlyn Dela Luna , sa inisyatibo ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderela Valenton-Reyes, at sa tulong at gabay ng ating talentadong kawani na si Sir Ryan Aala.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng kakayahan at potensyal ng kabataang Agoncillian sa larangan ng paggamit ng instrumento at musika.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments