LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT DENTAL HATID NI KONSI KIDLAT CARINGAL AT NG CALLED TO SERVE KATUWANG ANG RHU AGONCILLO

Patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang mga serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan. 

Sa pangunguna ni Konsehal Clark “Kidlat” Caringal katuwang ang Called to Serve at ang Rural Health Unit, matagumpay na isinasagawa ang Medical at Dental Mission para sa ating mga kababayan sa Brgy. Mabini ngayong araw, Mayo 17, 2026.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental ang mga mamamayang nangangailangan bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng ating lokal na pamahalaan na makapaghatid ng maagap, maayos, at makataong serbisyong pangkalusugan sa bawat Agoncillian.

Kaugnay nito, patuloy nating hinihikayat ang ating mga kababayan na nangangailangan ng serbisyong dental at medikal na magtungo sa Brgy. Mabini upang makiisa at makinabang sa programang ito. Huwag palampasin ang pagkakataong mapangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng libreng serbisyong hatid ng ating mga katuwang sa paglilingkod.

Sama-sama tungo sa isang mas malusog at mas maunlad na Agoncillo.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments