GUHIT NG KABATAAN, KULAY NG KINABUKASAN

Matagumpay na naisagawa ang pagtatapos ang ating Free Art Workshop na nilahukan ng masisipag at mahuhusay na kabataan ng Bayan ng Agoncillo. Sa pamamagitan ng kanilang talento, malikhaing pag-iisip, at makukulay na obra, muling napatunayan na ang kabataan ang tunay na pag-asa at inspirasyon ng ating bayan.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Turismo sa pangunguna ni Ma’am Charlyn Dela Luna, katuwang ang BAGSIK, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sining, kultura, at paglinang sa kakayahan ng ating mga kabataan.

Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng mga lumahok, mga magulang, at sa mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Nawa’y patuloy nating suportahan at pagyamanin ang talento ng bawat batang Agoncillian.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay kulay sa kinabukasan ng kabataan para sa mas maunlad at mas malikhaing Agoncillo.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments