ATLETA MULA SA BRGY. POBLACION, WAGI SA 2026 NATIONAL PRISAA MEET NA GINANAP SA NEGROS OCCIDENTAL



Napagtagumpayan ng ating kababayan mula sa Brgy. Poblacion na si Rendem Antonio Rodriguez na masungkit ang "Silver Medal" sa larong Table Tennis sa katatapos lamang na 2026 National PRISAA Meet na ginanap sa Bacolod City, Negros Occidental.

Ang inyong tagumpay ay patunay na ang bawat atletang Agoncillian ay tunay na kayamanan ng ating Bayan.Nawa'y magsilbing kang inspirasyon sa bawat Kabataang Agoncillian. 

Lubos na bumabati ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga bumubuo ng Sangguniang Bayan, at lahat ng kawani ng Lokla na Pamahalaan sa iyo at sa iyong Pamilya sa tagumpay na iyong nakamit!

Muli, Congratulations Rendem!

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments