SUMMER ACTIVITIES PARA SA MGA KABATAAN!

 

Bilang bahagi ng programa ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo para sa makabuluhang bakasyon ng mga kabataan, inihahandog ang iba’t ibang libreng summer activities na layuning malinang ang kanilang kakayahan, talento, at pakikipagkapwa.

Narito ang mga programang maaaring salihan:
🎨 Art Workshop
🏐 Volleyball Clinic
🏀 Basketball Clinic
🎹 Piano Lesson
🎸 Guitar Lesson

Ang mga gawaing ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na matuto ng bagong kasanayan, paunlarin ang kanilang talento, at magkaroon ng mga bagong kaibigan sa isang ligtas at masayang kapaligiran.

May limitadong bilang lamang ng slot para sa bawat aktibidad, kaya hinihikayat ang mga interesadong kalahok na magparehistro sa lalong madaling panahon.

Para sa mga nais magparehistro, makipag-ugnayan sa Office of the Mayor at hanapin si Ms. Charlyn Ann C. Dela Luna, o makipag-ugnayan sa numerong 0915-385-5884.

Huwag palampasin ang pagkakataong gawing kapaki-pakinabang at masaya ang bakasyon!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko








Post a Comment

0 Comments