Sa paglahok ng BAGSIK sa gaganaping West Philippine Sea Mural Festival, kaisa nila ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo at Davies Paints upang ipakita ang kanilang natatanging dedikasyon at pagkamalikhain.
Sa kanilang natatanging obra na pinamagatang "Bantay ng Karagatan, Kulay ng Kalayaan" ipinakita nila ang kagandahan ng ating mga karagatan lalo't higit ang West Philippine Sea.
_____________________________________
BANTAY NG KARAGATAN, KULAY NG KALAYAAN | BAGSIK
Sa kanluran ng inang bayan ay ang kalawakan ng west philippine sea, sumasalamin ang alon ng kasaysayan, kalikasan, at pakikibaka ng sambayanang pilipino. sa likhang-sining na ito, ang karagatan ay hindi lamang tubig na bumabalot sa kapuluan ng pilipinas, ito ay tahanan, buhay, at simbolo ng kalayaan.
Makikita ang mga nilalang-dagat na tila nagiging mga bantay ng karagatan. kinakatawan nila ang likas na yaman at biodiversity ng west philippine sea, na matagal nang nagbibigay-buhay sa mga mangingisdang pilipino at sa buong bansa. ang kanilang presensya ay nagpapahiwatig na ang karagatang ito ay hindi lamang teritoryo ng tao, kundi isang buhay na ekosistem na dapat ipagtanggol at pangalagaan.
Sa kabilang dako, ay maaaninag ang espiritu ni Amanikable, ang mandirigmang diyos ng karagatan na bagkos yumayakap sa kanlurang bahagi ng pilipinas at sumisimbolo ng mainit na pagprotekta sa kanyang saklaw na kahariang dagat.
Ang kulay at hugis ng watawat at mapa ng pilipinas ay sumasabay sa galaw ng alon, na tila nagpapaalala na ang karagatang ito ay bahagi ng pambansang pagkakakilanlan. Ang mga kulay ng dagat ay nagiging kulay ng kalayaan, isa itong paanyaya sa bawat pilipino na “kulayan” ang karagatan hindi sa pamamagitan ng pag-angkin ng iba, kundi sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagprotekta sa ating soberanya.
Walong masisiglang kabataan ang sumasagisag sa walong probinsyang nag-aklas at sa pagpupunyagi nating mga pilipino na kumawala sa kahirapan laban sa mga nang-aapi at nananakop. ang mga batang ito ay hindi lamang naglalarawan ng kasiglahan at kalakasan ng kabataan, kundi sumasalamin din sa makulay at pagkakaiba-iba ng pamana ng lokal na kulturang pambansa, mula hilaga hanggang timog.
Patuloy na kukulayan ang ating karagatan ng mga susunod na henerasyon na may sidhing pagmamahal sa lupang sinilangan.
Ang mensahe ng obra ay malinaw: ang west philippine sea ay hindi lamang espasyo sa mapa kundi ito ay sagisag ng dignidad, kabuhayan, at kalayaan ng sambayanang pilipino. sa pag-aalaga at pagtatanggol dito, ipinapakita nating buhay ang diwa ng pagkamakabayan—na ang dagat na ito ay atin, at mananatiling atin.
______________________________________
Tunay na kahanga-hanga ang Obrang ito! Mabuhay ang BAGSIK!
Mabuhay ang Davies Paint!
Mabuhay ang Bayan ng Magandang Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments