Sa paggunita ng ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-9 ng Abril 2026, ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay buong pusong nakikiisa sa pagbibigay-pugay sa hindi matatawarang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani.
Sa temang “Giting ng mga Bayani, Pamana sa Salinlahi,” muling pinagninilayan ang mahalagang papel ng kasaysayan sa paghubog ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ang kanilang ipinakitang tapang at dedikasyon ay nagsisilbing gabay at inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang adhikain para sa kapayapaan, kalayaan, at kaunlaran.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments