BINATA NA SI TAKENG 2026, KASALUKUYANG ISINASAGAWA SA G. BROTONEL EVENTS CENTER
Ang “Binata na si Takeng 2026,” ay ang taunang pagtutuli na kasalukuyang isinasagawa sa G. Brotonel Events Center kung saan maraming bata ang nagpapatuli bilang bahagi ng kanilang paglaki at pangangalaga sa kalusugan.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng ating pamahalaan upang matiyak ang kalusugan, kalinisan, at maayos na paglaki ng ating mga kabataan. Sa tulong ng ating mga health workers at sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Downtown Lemery, Agoncillo Rural Health Unit, Alpha Phi Omega (APO), Better Together Foundation, at JCI Batangas Balisong, naisasagawa ang serbisyong ito nang ligtas at maayos.
Isang hakbang tungo sa pagiging ganap na binata para sa mas malusog at matatag na kinabukasan ng kabataang Agoncillians.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments