OPLAN SEMANA SANTA 2026🇵🇭✨
Isang matibay na patunay ng nagkakaisang paglilingkod at malasakit sa kapakanan ng bawat mamamayan, matagumpay na isinakatuparan ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, katuwang ang iba’t ibang ahensya at sektor, ang pagpapatupad ng Oplan Semana Santa 2026.
Sa ilalim ng adhikaing maging aktibo, maaasahan, at laging handa para sa kaayusan, ang bawat kawani at lingkod-bayan ay buong pusong naglaan ng oras, lakas, at dedikasyon upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng publiko sa panahon ng Mahal na Araw.
Sa bawat ngiti, sakripisyo, at pagtitiyaga ng ating mga frontliners at katuwang sa serbisyo katulad ng PNP Agoncillo, BFP Agoncillo, PCG Agoncillo, Police Multipliers. Barangay Functionaries ay naipapakita ang matibay na pundasyon ng pagkakaisa at pagtutulungan na siyang nagpapalakas sa ating bayan.
Tunay ngang ang Agoncillo ay tahanan ng mga lingkod na handang maglingkod anumang oras, lalo na sa mga panahong higit na kinakailangan ang kanilang presensya.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng malasakit at pagkakaisa para sa isang ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko.
0 Comments