LABOR DAY 2026| DISENTENG TRABAHO PARA SA LAHAT: IISANG HANGARIN, BAGONG PILIPINAS AY SAMA-SANANG MARARATING

 


Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, mariing ipinapahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang pakikiisa at pagpupugay sa bawat manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisilbing haligi ng ating bayan. Sa temang “Disenteng Trabaho Para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating,” kinikilala natin ang mahalagang ambag ng bawat sektor sa pagsusulong ng kaunlaran at dignidad ng paggawa.

Matibay na pakikiisa at pagkilala sa bawat manggagawang Agoncillians ang ipinaaabot ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga kasapi ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads at kawani sa pangunguna ng ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza. Isa kayo sa dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang ating bayan. Ang inyong serbisyo at dedikasyon ay salamin ng ating kasipagan at katatagan bilang mga taga Agoncillo.

Sa pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy nating maaabot ang isang mas maunlad at inklusibong kinabukasan para sa bawat mamamayan ng Agoncillo.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!
Mabuhay ang manggagawang Agoncillian!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments