ABISO PUBLIKO | SCHEDULE NG CRS MOBILE OUTLET AT PHILSYS NATIONAL ID REGISTRATION AND VERIFICATION 🇵🇭✨

 


Ipinababatid ng tanggapan ng Local Civil Registrar sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Agoncillo ang nakatakdang CRS Mobile Outlet at PhilSys National ID Registration and Verification Schedule para sa taong 2026.

Ang programang ito ay naglalayong higit pang mapalapit ang mga serbisyong pampamahalaan sa ating mga kababayan, lalo na sa pagkuha at pagpapatunay ng mahahalagang dokumento at pagkakakilanlan. 

Inaanyayahan ang lahat na makilahok at samantalahin ang serbisyong ito sa itinakdang iskedyul. Hinihikayat din ang bawat isa na magdala ng kinakailangang dokumento at sumunod sa mga alituntunin upang masiguro ang maayos na daloy ng aktibidad.

Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ay patuloy na nagsisikap na makapaghatid ng dekalidad na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Tara ho, huwag sayangin ang pagkakataon!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko



Post a Comment

0 Comments