Taunang Pagtatapos

 



Marso 28, 2026 - Ginanap ngayong araw ang ilang Graduation at Moving Up ceremonies sa ating mga pampublikong paaralan. 

May monitoring ang ating Schools Division Superintendent Dr. Marites A. Ibanez, na kinatawan ni Senior Education Program Specialist Gng. Rosemarie A. Encarnacion. Katuwang din ang ating Public Schools District Supervisor Dr. Maria Melissa M. Ariola na umikot sa mga paaralan ng Smart Agoncillo Sub-Office.

Dumalo rin ang ating mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ang SB Chair ng Education na si Konsehal Jeffrey Hilario.  Pinaglaanan rin ng panahon ng mga punong barangay ang naturang programa.

Ngayong taon, ang tema ay “Pilipinong Nagsipagtapos Handang Mamuno Ng May Kakayahan at Mabuting Pagkatao”, na napaka-relevant sa mga nangyayari sa ating bansa.

Sa ating lokal na pamahalaan, isa ito sa pinagtutuunan ng pansin, ang paghubog hindi lamang sa kaisipan kundi sa pagkatao at pagiging huwaran ng ating kabataan.


Post a Comment

0 Comments