Isang karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang pagkilala sa Sangguniang Bayan bilang isa sa mga National Finalists ng Local Legislative Awards, patunay ng mahusay na pamamahala at epektibong paggawa ng mga ordinansa at programang nagsusulong ng kaunlaran sa ating bayan.
Nakiisa rin ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, upang ipakita ang taos-pusong suporta sa ating Sangguniang Bayan at sa patuloy nitong pagsisikap na makapaghatid ng makabuluhang serbisyo para sa mga mamamayan ng Agoncillo.
Tinanggap ng ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan Secretariat, at ang ating MLGOO na si Alberto Sandoval, ang isang plaque mula sa Department of the Interior and Local Government(DILG) bilang pagkilala sa natamong tagumpay.
Isinagawa ang naturang programa sa World Trade Center Metro Manila sa Pasay City, kung saan pinagtibay ang kahalagahan ng mahusay na pamumuno at maayos na lehislasyon para sa patuloy na pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng pamahalaang lokal ng Agoncillo sa pagsusulong ng transparency, maayos na pamamahala, at mga programang tunay na makikinabang ang bawat mamamayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments