‎PARA SA ATLETANG AGONCILLIAN: MAYOR CINDY REYES, FULL SUPPORT SA MGA ATLETANG LALAHOK SA RAAM 2026 🇵🇭✨






‎Buong suporta ang ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa ating mga atletang Agoncillian na lalahok sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2026.
‎Personal na dumalo si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa opening ceremony ng RAAM bilang pagpapakita ng kanyang suporta at paghikayat sa ating mga manlalaro na patuloy na ipakita ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng palakasan.
‎Sa ngayon pa lamang ay ipinagmamalaki na ng ating Punong Bayan ang bawat atletang Agoncillian na buong pusong lalaban para sa karangalan ng Agoncillo. Hangad ng lokal na pamahalaan ang kanilang matagumpay at ligtas na paglahok sa kompetisyon.
‎Para sa ating mga atletang Agoncillian, buong bayan ang sumusuporta sa inyo. Ipagmalaki ninyo ang Agoncillo at ipakita ang husay at gilas ng atletang Agoncillian.
‎#MasMagandangAgoncillo
‎#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments