PAGTATAPOS PARA SA PANURUANG 2025-2026

 



Schools Division Superintendent ng Schools Division Office ng Batangas, DR. MARITES A. IBAÑEZ, DUMALO SA MGA PAARALAN NA NAGSAGAWA NG KANILANG PAGTATAPOS PARA SA PANURUANG 2025-2026 🇵🇭✨

Personal na nakibahagi ang ating SDS Dr. Marites Ibañez sa ilang mga paaralan ng Agoncillo Sub-Office, katulad ng Agoncillo Senior High School, Agoncillo Central School, Mahabang Gulod Elementary School at Barigon Elementary School.  

Espesyal sa kanya ang dalawang (2) Grade 6 na nagsipagtapos sa Mahabang Gulod Elementary School.
Dumalo rin ang ating mahal na Punong Bayan, Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa mga seremonya ng pagtatapos sa Subic Elementary School at Agoncillo Senior High School, samantalang si Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang naman ay dumalo sa iba pang mga pagtatapos at moving up ceremonies, para sa Panuruang Taon 2025–2026.

Bilang Chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Bayan, lahat ng graduation at moving up ceremonies ay dinaluhan ni Konsehal Jeffrey “Jappoy” Hilario.

Binanggit ni Mayor Cindy na sa taong nakukuntento, malaki man o maliit ay laging sapat at hindi nagkukulang. Iniugnay din niya na sa panahon ngayon, kailangang magtanim at magtipid. Sa huli ay hinamon niya ang mga nagsipagtapos na sikaping maging isang lider. Aniya, “a good leader is a good follower”, at bawat isa sa atin ay may kapasidad mamuno. 

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng sipag at tiyaga ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ng gabay at sakripisyo ng kanilang pamilya at ng buong komunidad.

Muli, taos-pusong pagbati sa Batch 2026! Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay sa patuloy na pag-abot ng inyong mga pangarap para sa mas maunlad na kinabukasan. 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments