MAYOR CINDY REYES, DUMALO SA IKA-10 TAONG ANIBERSARYO NG BAHAY PAG-ASA

 



Nakibahagi ang ating minamahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa pagdiriwang ng ika-10 taong anibersaryo ng Bahay Pag-asa na ginanap ngayong ika-18 ng Marso 2026 sa Bahay Pag-asa ng Batangan, Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City. Kasama rin sa nasabing okasyon ang MSWDO Head na si Ma’am Josalyn Cortez.

Bitbit ang temang “Isang Dekada ng Pag-asa: Pagbabagong Buhay para sa Matatag na Batang Batangan,” layunin ng programa na kilalanin ang patuloy na pagbibigay ng gabay, pag-aaruga, at pagkakataon sa mga Children in Conflict with the Law(CICL) upang muling makabangon at makapagsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay.

Ipinahayag ni Mayor ang kanyang buong suporta sa mga programang naglalayong hubugin at gabayan ang kabataan tungo sa mas maayos at makabuluhang kinabukasan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad sa pagbibigay ng pag-asa at pangalawang pagkakataon sa bawat batang nangangailangan.

Bilang bagong halal na Presidente ng Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc. (BPALFI), tinanggap niya ang plake ng pagkilala bilang isa sa mga partners ng Bahay Pag-Asa.
Patunay ang okasyong ito na sa tamang gabay at malasakit, ang bawat kabataan ay may kakayahang magbago at maging inspirasyon sa iba.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments