Kasunod ng Kick-Off activity ng Women’s Month Celebration, isinagawa agad ang livelihood training para sa ating mga kababaihan.
Labing limang beneficiaries ang sumasailalim sa hand embroidery training simula ngayong araw, Marso 2, 2026 hanggang sa Biyernes, Marso 6, 2026.
Sa hudyat ng panimula ay sinabi ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes na ang mga sumailalim sa training ngayon ay siya namang magtuturo sa iba pang beneficiaries pagkatapos. Ang tunay na layunin nito ay mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan kahit pa nasa kani-kanilang tahanan lamang.
Ang pagkita ng kaunti ay mas mainam pa rin, aniya, kaysa walang kinikita.
Ang trainor ay si Gng. Rose Reyes, mula sa Taal, Batangas.
Naenganyo rin si Mayor Cindy, Ma’am Josalyn Cortez at iba pa na makiisa para matuto rin ng pagbuburda.
Matiltil at kailangan ng sipag, tiyaga at pagkamalikhain para makagawa ng isang obra.
0 Comments