IBAT IBANG COUNCIL MEETING ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨️






Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ang iba’t ibang council meeting sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor,  Atty. Cinderella Valenton-Reyes, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at maayos na pamamahala sa ating bayan.
Tinalakay sa mga pulong ang mahahalagang usapin ukol sa kapayapaan at kaayusan, disaster preparedness, kaligtasan sa komunidad, implementasyon ng mga ordinansa, at mga programang pangkaunlaran na direktang makikinabang ang ating mga mamamayan.
Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay, Civil Society Organizations (CSO’s), at mga kinatawan mula sa Philippine Army, Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP). Ang kanilang aktibong pakikilahok ay patunay ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa para sa mas maayos na pamamahala.
Ang mga paksang napag-usapan ay mahalaga upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa anumang sakuna o insidente, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat barangay, at mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga pulong, napaplano nang maayos ang mga hakbang na makatutulong sa pangmatagalang kaunlaran at kaligtasan ng buong komunidad.
Sa pamumuno ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, patuloy ang pagsusulong ng transparency, disiplina, at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments