FUN KITE FLYING

 



FUN KITE FLYING SA BRGY. PANSIPIT, SIMULA NA 🇵🇭✨

Muling nabuhay at nagningning ang kalangitan ng Bayan ng Agoncillo sa makulay at masayang Fun Kite Flying na kasalukuyang ginaganap sa Brgy. Pansipit, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating ika-77th Founding Anniversary.

Iba’t ibang hugis at kulay ng saranggola ang sabay-sabay na pumailanlang, na siyang nagbigay saya hindi lamang sa mga kalahok kundi pati sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa ating mga lokal na aktibidad.

Naroon din at buong pusong nagbigay suporta ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating Former Mayor, Atty. Daniel D. Reyes, na kapwa nagpapakita ng kanilang malasakit sa pagpapaunlad ng turismo at kultura ng ating bayan.

Sa pangunguna ng ating masigasig na Tourism Officer na si Ma’am Charlyn Dela Luna, patuloy ang hangarin na maisagawa ang ganitong gawain taon-taon isang patunay na ang simpleng kasiyahan ay nagiging daan upang mas lalo pang makilala at dayuhin ang ating mahal na Agoncillo.

Tunay ngang sa bawat lipad ng saranggola, dala natin ang saya, pag-asa, at pagkakaisa ng ating komunidad.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments