Criminologist Licensure Examination | CONGRATULATIONS, Catherine C. Balani, RCRIM

 



CONGRATULATIONS, Catherine C. Balani, RCRIM

Taos-pusong pagbati at pinakamainit na pagbubunyi ang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani, kay Catherine C. Balani, RCRIM sa kanyang matagumpay na pagkapasa sa Criminologist Licensure Examination.
‎Ang iyong tagumpay ay bunga ng walang kapantay na sipag, tiyaga, disiplina, at matibay na pananampalataya, mga katangiang tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga kabataan kundi sa buong Bayan ng Agoncillo.
‎Mabuhay ka, Catherine C. Balani! Isang karangalan ka ng buong Bayan ng Agoncillo. Ipinapaabot din ng Lokal na Pamahalaan ang taos-pusong pagbati sa iyong mga magulang at kapamilya.
‎#PaglilingkodngTapatsaDiyosatsaBayan
‎#MasMagandangAgoncillo
‎#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments