Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 (s. 2026) ng Office of the President at Executive Order No. 14 (s. 2026) ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo na nagtatakda ng mga hakbang sa fuel conservation at energy efficiency, ang sumusunod na alituntunin ay ipatutupad upang matiyak ang matipid na paggamit ng enerhiya at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko.
Kaugnay nito, ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay magpapatupad ng Four-Day Workweek simula ngayong March 9, 2026.
Ang mga tanggapan ng munisipyo ay bukas mula 7:30 AM hanggang 5:00 PM, habang ang lunch break naman ay mula 12:00 NN hanggang 12:30 PM.
Inaanyayahan ang lahat na mag-antabay sa mga susunod pang anunsyo hinggil sa pagpapatupad nito.
Sama-sama tayong magtipid para sa kaayusan ng ating pamumuhay at ng ating bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments