Pebrero 23, 2026 - Nagtagisan ng husay at galing ang 20 kalahok sa Spoken Poetry Contest mula sa iba’t-ibang paaralan.
Ito ay kabilang sa programa ng Tourism Office, sa pamamagitan ng Tourism Officer na si Ms Charlyn Ann Dela Luna, sa pagdiriwang ng National Arts Month.
“Lalo pa ninyong pagbutihin ang talent na gift sa inyo ni Lord. Sa isang teenager, malaking bagay ang mayroong medium para sa self-expression katulad nitong spoken poetry, painting, drawing, written poetry, at iba pa.”, ito ang ilan sa tinuran ng ating mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Dumalo rin si Hon. Leonarda Enriquez, bilang chair ng SB Committee on Arts and Culture.
Itinanghal na panalo sina:
First: Edrich Wayne Morilla
Second: Gabrielle Buenafe
Third: Athena Hera Calapatia
Ang mga piling hurado ay sina G. Christopher De Leon, Ms Patty T. Ocampo at si Ms Crissa Deomampo.
0 Comments