Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office, ang pagbibigay ng mas marami at mas maayos na oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayan.
Sa pakikipagtulungan ng PESO Agoncillo sa pamumuno ni Mam Mercy Punzalan, katuwang ang LUZVIMIN Employment Agency, Inc., magsasagawa ng isang Special Recruitment Activity na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa, partikular sa larangan ng Household Service Workers.
📍 Jobsite: Hong Kong, Malaysia, Brunei, Saudi Arabia, Kuwait
Ang nasabing SRA ay gaganapin ngayong araw, February 18, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga sa ating SB Conference Room.
Ang programang ito ay patunay ng ating patuloy na pagsusumikap na mailapit sa bawat Agoncillian ang mga lehitimo at mapagkakatiwalaang oportunidad sa trabaho, lalo na para sa mga naghahangad ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong aplikante na makibahagi at samantalahin ang pagkakataong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa PESO Office.
Sama-sama nating isulong ang mas matatag na kabuhayan at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat mamamayan ng Agoncillo.
Tara ho! Apply na❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments