Isinasagawa ang Enhanced Formulation ng Agoncillo Disaster Risk Reduction and Management Plan 2026–2031 sa Bauan, Batangas na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at stakeholders ng bayan. Ang aktibidad ay pinangungunahan ng MDRRMO sa pamumuno ni Sir Junfrance De Villa.
Dumalo rin ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton - Reyes, bilang suporta sa mahalagang gawaing ito para sa kaligtasan ng komunidad. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad. Ipinahayag ng Mayor ang kanyang kasiyahan dahil patuloy na napapalakas ng pamahalaang bayan ang mga hakbang sa disaster preparedness. Ayon naman sa ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarnag, mahalaga ang maayos na pagpaplano at pagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Agoncillians.
Ang naturang training ay nagsimula noong Pebrero 24 at magtatapos sa Pebrero 26, na naglalayong mapalakas at mapabuti ang mga programa at hakbang ng bayan upang mas maging handa ang bawat Agoncillians sa anumang sakuna.
Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalakas at mas mapabuti ang mga programa at hakbang ng pamahalaang lokal upang maging mas handa ang bawat Agoncillians sa anumang sakuna tulad ng bagyo, lindol, sunog, at iba pang kalamidad. Sa pamamagitan ng sama-samang talakayan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagrepaso sa kasalukuyang plano, nabuo ang mas malinaw at mas epektibong direksyon para sa susunod na limang taon.
Ang DRRM Plan 2026–2031 ay magsisilbing gabay ng bayan sa pag-iwas sa panganib, paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa sakuna.
Patunay ito na ang Bayan ng Agoncillo ay patuloy na kumikilos para sa isang ligtas, handa, at matatag na komunidad.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments