Pebrero 5, 2026 - Ang kauna-unahang pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Chapter ay ginanap sa Barangay Barigon, Agoncillo, Batangas.





Pinangunahan ang pagpupulong ng LMP President Mayor Leovigildo Morpe

(Rosario), at dinaluhan din ng mga alkalde ng Alitagtag, Balayan, Balete, Laurel, San Jose, Padre Garcia, Lobo, Taysan, San Juan, MataasnaKahoy, San Pascual, Malvar, Sta. Teresita, Cuenca, Tingloy, at San Luis.

Ipinaliwanag ni Provincial Director (DILG) Robinson Maac ang tungkol sa Anti-Epal Memo. Ang ating Mayor Atty. Cindy Valenton-Reyes naman, kahit wala pa itong kautusang ito, ay talagang ayaw na sa epal.

Ganundin, bilang kinatawan ng provincial government ay dumalo ang Provincial Engineer na si Engr. Nerio Ronquillo. Personal din niyang nakita ang mga kailangan pang pagawain lalo sa kalsada na sakop ng lalawigan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Sanguniang Bayan sa pangunguna ni VM Atty. Remjelljan Humarang, mga Department at Section Heads, sa pangunguna ni Admin Noel Mendoza, pati ang Sanguniang Barangay ng Barigon sa pangunguna ni Kap. Magno Humarang na makapag-daupang palad sa mga mayors.

Ipinamalas ng ating LGU ang natural na ganda sa Barigon na tanaw ang Taal volcano island, Taal Lake, Pansipit River, Balayan Bay, Mt. Maculot at iba pa. 

Pinangunahan din ng Himig Agoncillo ang pag-awit ng Lupang Hinirang, Agoncillo Hymn, at nagpaunlak ng ilang awitin. Tumugtog din ng piano si Ryan Aala para sa mga panauhin.

Nagpaasalamat ang ating Mayor Cindy sa lahat ng nagtulong tulong upang maging matagumpay ang pagho-host ng LMP meeting, sa pangunguna ng Agoncillo MPS, BFP, Coastguard, MDRRMO, RHU, at marami pang iba.

#parasamasmagandangagoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments