PARA SA BAYAN: MAYOR CINDY REYES AT MGA KINATAWAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG 36th CIVIL REGISTRATION MONTH NG PSA 🇵🇭✨





Sa patuloy na pagsusulong ng maayos, mabilis, at makataong serbisyo publiko, buong pagmamalaking nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagdiriwang ng 36th Civil Registration Month na pinangunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang mga kinatawan ng tanggapan ng Local Civil Registrar na pinamumunuan ni Ms. Karen Olvina, ang pakikibahagi sa makabuluhang selebrasyong ito na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng civil registration sa bawat mamamayan.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang pangako nito sa pagpapaigting ng mga programa at serbisyong magpapalakas sa sistema ng pagpaparehistro at magbibigay ng mas episyente at inklusibong serbisyo para sa lahat.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments