Dumalo ngayong araw, ika-11 ng Pebrero 2026 sa isang mahalagang pagpupulong ang mga alkade ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Batangas, na ginanap sa Pamahalaang Bayan ng San Pascual, Batangas.
Nagpaunlak si DPWH Undersecretary Nicasio Conti, Regional Director Carol Pastrana, at mga District Engineers para sa isang makabuluhang pagpapaliwanag at talakayan ng mga proyektong nasa pangangasiwa ng DPWH.
Dumalo din si G. Bryan Diamante, bilang kinatawan ni Executive Secretary Ralph Recto, pati ang buong Sanguniang Bayan ng San Pascual at maging ang mga pangulo ng mga barangay.
Ipinaalala ni Usec. Nick Conti na sa bagong patakaran ng DPWH, napakalaking bagay na magaling ang Municipal Planning and Development officer at masipag na Municipal Engineer. Aniya, maaaring maiwan ang mga hindi handa.
Ang palagiang pagdalo ng ating butihing Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa mga ganitong pagpupulong ay pagpapakita ng kanyang pagpupursige na maisaayos ang mga pagawain sa ating bayan, para sa mas maayos na pamumuhay nating mga Agoncillians.
#parasamasmagandangagoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments