MAKISAYA AT MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG IKA-77 TAONG PAGKAKATATAG NG ATING BAYAN 🇵🇭✨






Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan, saan mang panig ng mundo naroroon, na makiisa at makisaya sa nalalapit at pinakahihintay na pagdiriwang ng ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating minamahal na bayan ng Agoncillo.

Sa temang “Husay ng Agoncillian, Pagkakaisa, Katatagan at Kasaysayan,” muli nating bibigyang-pugay ang mayamang kasaysayan ng ating bayan at ang hindi matatawarang galing, tibay, at pagkakaisa ng bawat Agoncillian. 

Tampok sa pagdiriwang na ito ang iba’t ibang makukulay na programa, kapana-panabik at makabuluhang gawain, kabilang ang mga masasayang palabas na tunay na magpapakita ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang isang matatag at nagkakaisang pamayanan.

Ito ay hindi lamang selebrasyon ng mga nakalipas na taon, kundi pagdiriwang din ng ating sama-samang tagumpay at patuloy na pag-usbong bilang isang bayan. Sama-sama nating sariwain ang ating kasaysayan at sabay-sabay na harapin ang mas maliwanag na kinabukasan.

Ano pang hinihintay? Uwi ka muna. Parine na sa atin.

Makisaya, makilahok, at maging bahagi ng isang makasaysayang pagdiriwang para sa ating bayan.

Narito na po ang mga programa at aktibidades para sa ating nalalapit na pagdiriwang, ito ay sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang ating masipag na Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments