Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” buong pagmamalaking inilulunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang Spoken Poetry Contest sa Agoncillo na gaganapin sa Pebrero 23, 2026.
Sa pangunguna ng ating masipag at mapagmalasakit na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at sa inisyatibo ng ating Tourism Officer, Ma’am Charlyn Dela Luna, ang patimpalak na ito ay isang makabuluhang hakbang upang higit pang mapalawak ang pagpapahalaga ng bawat Agoncillian sa sining ng panitikan at malikhaing pagpapahayag.
Inaanyayahan ang lahat ng kabataang nasa edad 14-18 na makiisa o saksihan ang natatanging pagtatanghal ng ating mga makata.
Sama-sama nating ipagdiwang ang sining, kultura, at pagkakaisa ng Agoncillo!
Mabuhay ang sining! Mabuhay ang Agoncillo!
Para sa iba pang katanungan, basahin ng mabuti ang mga larawan sa baba at makipag-ugnayan sa ating Tourism Officer, Ma'am Charlyn Ann Dela Luna.
Tara na! Sali na!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments