BIDANG AGONCILLIAN PARA SA BUWAN NG PEBRERO 2026






BIDANG AGONCILLIAN PARA SA BUWAN NG PEBRERO 2026 | Pagpupugay sa Mga Bagong Abogado ng Bayan ng Agoncillo 🇵🇭✨
Buong dangal at kagalakan na ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang ating mga kababayan na matagumpay na nakapasa sa 2025 Bar Examinations at opisyal nang kabilang sa hanay ng mga bagong abogado ng ating bayan.
Isang makasaysayan at makabuluhang tagumpay hindi lamang para sa kanilang sarili at pamilya, kundi para rin sa buong komunidad ng Agoncillo, sapagkat kayo ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Agoncillian na mangarap, magsikap, at magtagumpay sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Taos-pusong pagbati kina:
ATTY. JEREMIAH PASION
ATTY. WILLIAM CHARLES REYES
ATTY. CZARINA EDILLOR LASCO
ATTY. RAYMOND SANGALANG
ATTY. JOSHUA ROMEO ALMIRA
Kayo ay patunay ng dedikasyon, determinasyon, at walang sawang pagsusumikap upang maabot ang isang propesyong may malaking pananagutan sa lipunan, ang pagtataguyod ng katarungan at paglilingkod sa kapwa.
Ang buong bayan ng Agoncillo, sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ay lubos na ipinagmamalaki at sumusuporta sa inyong tagumpay. 
Nawa’y magsilbi kayong liwanag at pag-asa para sa susunod pang henerasyon ng mga kabataang Agoncillian na nagnanais magtagumpay.
Muli, maligayang pagbati at mabuhay kayo, mga bagong Abogado ng Agoncillo!
Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments