ABISO PUBLIKO PARA SA MGA MAMAMAYAN NG MAGANDANG AGONCILLO 🇵🇭✨






Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pamabayang Ingat-Yaman sa pamumuno ni Ms. Crizzane Katigbak (Municipal Treasurer) ang pagpapatupad ng Tax Amnesty sa Real Property Tax (Amilyar) alinsunod sa Republic Act No. 12001 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act.

Sa ilalim ng programang ito, ang mga may hindi pa nababayarang amilyar sa mga nakalipas na taon hanggang Hulyo 5, 2024 ay maaaring magbayad nang may mga sumusunod na benepisyo:

✔️ Walang penalties

✔️ Walang surcharges

✔️ Walang interes

Ang availment period ay hanggang Hulyo 5, 2026 lamang.

Inaanyayahan ang lahat ng may-ari ng ari-arian na samantalahin ang pagkakataong ito upang maayos ang kanilang obligasyon sa buwis nang walang karagdagang bayarin.

Maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Municipal Treasurer na matatagpuan sa Ground Floor ng Jacinto Mendoza Building para sa iba pang detalye at kaukulang proseso. Samantala, upang malaman din ang listahan, magtungo lamang sa inyong Barangay. 

Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Maraming salamat po.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments