PESO AGONCILLO, KINILALA BILANG HIGH PERFORMING PESO SA CAREER DEVELOPMENT SUPPORT SERVICES SA KATEGORYA NG 2ND CLASS MUNICIPALITY NG REGION IV-A CALABARZON 🇵🇭✨






Malugod na ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang pagkilala sa PESO Agoncillo bilang High Performing Public Employment Service Office (PESO) sa Career Development Support Services sa kategorya ng 2nd Class Municipality sa buong Region IV-A CALABARZON.
Ang prestihiyosong parangal na ito ay patunay ng patuloy at masigasig na pagsusumikap ng PESO Agoncillo na makapaghatid ng dekalidad, maagap, at makabuluhang serbisyong pangkabuhayan at  trabaho para sa ating mga kababayan. 
Sa pamamagitan ng mga programang naglalayong palawakin ang kaalaman, kakayahan, at oportunidad sa trabaho, patuloy na nagiging katuwang ang PESO sa pag-unlad ng bawat Agoncillian.
Tinanggap ang naturang parangal ng ating masipag at dedikadong PESO Manager, Ma’am Mercy Punzalan, na patuloy na nangunguna sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng manggagawa, kabataan, at mga naghahanap ng hanapbuhay sa ating bayan.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng PESO Agoncillo, kundi ng buong Pamahalaang Bayan at ng sambayanang Agoncillian. Ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang mahusay na serbisyo publiko tungo sa mas maunlad, may trabaho, at may pag-asang kinabukasan para sa lahat.
Congratulations, PESO Agoncillo.
#masmagandangagoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments